Home METRO SK chairman utas sa bigti

SK chairman utas sa bigti

143
0

ILOCOS SUR-Patay ang isang SK Chairman matapos magbigti sa bayan ng Sta. Maria ng lalawigang ito kahapon, Hulyo 14.

Ang biktima ay 23-anyos na babae, walang asawa, residente ng naturang bayan.

Bandang 2:45 ng hapon ay nakatanggap ng tawag ang Sta. Maria Municipal Police Station mula sa boyfriend ng biktima.

Ayon sa boyfriend ng biktima, pagdating niya sa bahay ng kanyang dyowa ay nakita niyang nakabitin ito sa mismong loob ng kuwarto nito gamit ang polyethylene nylon rope.

Bago ang insidente ay nag-text umano ang biktima sa kanyang bf ng “Hanak maabutanen” o “hindi mo na ako maaabutan’ kaya nagmamadali itong nagpunta sa bahay ng kanyang dyowa.

Matapos maibaba sa pagkakabitin, ang biktima ay agad na isinugod sa ospital pero idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Base sa police report, ang lumalabas na motibo sa pagpapakamatay ng biktima ay mga hindi mabayaran na pagkakautang o unpaid debts. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here