Home HOME BANNER STORY Dayuhang may pekeng PH passport dumarami – BI

Dayuhang may pekeng PH passport dumarami – BI

96
0

MANILA, Philippines – NABABAHALA ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa tumataas na bilang ng mga dayuhan na may mga pekeng Philippine documents.

Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, isa umanong national security concern ang nasabing isyu dahil patulopy ang pagtaas ng bilang ng mga foreign national na naaaresto dahil sa paggamit ng mga ito ng mga pekeng dokumento upang makapasok sa bansa.

Aniya, matagal na umano nila itong binibigyang-pansin dahil hindi lang umano isa ang kanilang nahuhuli. Umaabot na aniya ng sampu dayuhan ang kanilang nahuhuli at nito lamang nakaraang linggo ay nasa tatlo pang foreign national na may hawak ng mga pekeng Philippine documents ang kanilang naaresto.

Nabatid naman sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes na natagpuan nila ang halos 200 pekeng birth certificate na inisyu ng civil registry sa karamihan sa mga Chinese nationals sa Sta. Cruz, Davao del Sur.

Kaugnay nito, ibinahagi naman ni Senador Sherwin Gatchalian noong Biyernes ang impormasyon mula sa Chinese community na ang presyo para sa pagproseso ng mga pekeng birth certificate, kabilang ang iba pang government ID ay umaabot sa P300,000.

Upang matugunan ang sitwasyon, sinabi ng opisyal ng BI bagama’t hindi sila naglalagay ng paghihigpit sa mga may hawak ng pasaporte ng Pilipinas, nakikita ng ahensya ang mga pahiwatig na may “red flags” na tumutulong sa kanila na mahadlangan ang mga pekeng “Pinoy”.

Nabatid pa kay Sandoval na mahigpit na iniutos ni BI Commissioner Norman Tansingco ang indibidwal na assessment para sa lahat ng mga biyahero na dumadaan sa Immigration.

“Hindi po pwedeng may taga sagot sila for their travel. Individual po para makita yung kanilang documents mismo at yung matching doon na sinasabi nila,” ani Sandoval. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here