MANILA, Philippines – Ipinakita sa publiko ni dating Caloocan second district representative Edgar Erice ang received copy ng liham na kanyang isinumite sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa Miru joint venture na nakakuha ng kontrata para sa 2025 elections.
Nitong Lunes, Hulyo 15, personal na nagtungo ang dating kongresista sa tanggapan ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila upang kuhanin ang kopya ng liham nito para kay Chairman Garcia matapos itong matanggap ng poll chief.







