MANILA, Philippines – KINONDENA ni dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte ang assassination attempt laban kay dating US president Donald Trump sa campaign rally sa Butler, Pennsylvania.
Sinabi ni Digong Duterte na ang pagbaril kay Trump, 78, na tinamaan sa itaas na bahagi ng kanang tainga ay isang “chilling indictment of our times”.
Ayon sa ulat, habang nagbibigay ng kanyang talumpati si Trump, ilang putok ng baril ang pinakawalan ng gunman.
Kinumpirma ng US Secret Service na dalawang tao ang patay – ang gunman at isang audience member – at dalawang manonood ang kritikal na nasugatan.
Kinilala ng FBI ang gunman na si Thomas Matthew Crooks, 20, ng Bethel Park, Pennsylvania. Hindi pa batid ang kanyang motibo.
Ligtas na umano si Trump sa ngayon matapos dalhin sa isang lokal na ospital at umalis na rin pagkaraan ng ilang oras.
“It is a wake-up call that no one, not even a former president and leading presidential candidate, is safe even in the most powerful nation on earth,” ayon pa rin kay Digong Duterte.
Winika ni Duterte na ang nabigong asasinasyon “comes at a crucial time when the election for the next President of the United States is barely four months away.”
“Speculation that this violent incident has something to do with the upcoming elections is too difficult to resist,” aniya pa rin.
“It is significant that former President Trump opened a sizable lead in the presidential race, a cause for concern to those opposed to his announced priorities,” lahad ng dating Pangulo.
Tinuran pa ni Digong Duterte na ang kalalabasan ng US elections ay may epekto sa ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.
Binatikos naman ni Digong Duterte ang polisiya ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ni Democrat Joe Biden.
“American policies under the Biden administration towards the Philippines, particularly the installation of a missile system in Ilocos Norte, have placed the Philippines in considerable danger. It has generated no small amount of fear among Filipinos wary that the country has now become a target if war breaks out anytime,” litaniya nito.
Sa kabilang dako, umaasa naman si Digong Duterte na ang resulta ng US presidential elections ay magpapahiwatig ng mabuti sa Pilipinas at sa mga mamamayang filipino.
Samantala, ang wish naman nito kay Trump ay ang agarang paggaling mula sa kanyang sugat at trauma sanhi ng assassination attempt.