Home METRO Babaeng dadalaw sa preso, huli sa espasol na pinalamanan ng shabu

Babaeng dadalaw sa preso, huli sa espasol na pinalamanan ng shabu

157
0

MANILA, Philippines – Huli ang isang babae na dadalaw sa nakakulong na live-in partner matapos na mahulihan ng shabu na ipinalaman sa kakaning espasol sa Lucban, Quezon nitong Linggo ng umaga, Hulyo 14.

Sa report ng Lucban police, alas-10 ng umaga nang magsabi ang 21 anyos na suspek na dadalaw ito sa kanyang live-in partner na nakadetine sa Lucban police station custodial facility at ililipat sana sa Pagbilao District Jail ngayong Lunes.

Bilang konsiderasyon ay pinayagan ito na dalhan ng pagkain ang ka-live-in.

Sa kabila nito, habang sumasailalim sa inspeksyon ng jail guard, napansin na may plastic sachet na kasamang ibinalot sa espasol.

Nadiskubre ng mga jail guard ang shabu na may timbang na 0.72 gramo at nagkakahalaga ng halos P5,000 na isinilid sa dalawang plastic sachet na nakuha mula sa kakanin.

Dahil dito ay inaresto ang suspek at ikinulong na rin.

Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here