Home NATIONWIDE Search and retrieval ops natapos na sa Maguindanao

Search and retrieval ops natapos na sa Maguindanao

210
0

MANILA, Philippines – Katuwang ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CGDBARMM) ang lokal na pamahalaan sa paghahanap sa nawawalang mga indibidwal dahil sa matinding pagbaha nitong Linggo, Hulyo 14.

Kabilang sa mga nawawalang indibidwal ay apat na bata at isang matanda sa barangay Pinantao, Matanog, Maguindanao matapos ang pagbaha.

Ang napapanahong search and rescue operation ay sinimulan nang makatanggap ng impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council PDRRMC-BARMM.

Isang bata ang nasagip habang tatlong bangkay ang na-retrieve sa huling mga araw ng SAR operations.

Natagpuan naman ng K9 SAR Dohg “Ivy” at tauhan ng CGDBARMM ang huling nawawalang bangkay ng isang batang babae kaya itinigil na ang operasyon.

Ang search and rescue operation ay matagumpay na naisakatuparan sa pagsisikap ng mga tauhan ng Philippine Marine Corps, Philippine National Police-PROBAR, PDRMMC-BARMMReadi, Bureau of Fire Protection-BARMM at iba pang Local Government Units. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here