MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos na suntukin ang babaeng konduktor ng modern jeep sa National Highway sa Barangay South Poblacion, City of Naga nitong Linggo ng gabi, Hulyo 14.
Ang suspek ay kinilalang si Gerry Pantonial Gonzales, 44-anyos, construction worker at residente ng Marakas, Barangay Lahug sa Cebu City.
Samantala, ang biktima ay tinukoy na si Lufemia Pacuri Filipino, residente ng Sitio Kamansi, Barangay Quiot Pardo, Cebu City.
Sa ulat ng Naga Police Station, nakaparada ang modern jeepney habang naghihintay ng pasahero.
Sumakay ang suspek sa modern jeepney at sinuntok ang biktika sa mukha nang walang malinaw na dahilan.
Agad na humingi ng tulong ang biktima sa drayber at sakto naman ang pagdaan ng mobile ng pulis sa lugar.
Humingi ng saklolo ang drayber ng modern jeepney sa pulis na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek.
Pansamantalang naka-detain ang suspek sa Naga Police Station habang inihahanda ang kasong slight physical injury. RNT/JGC