MANILA, Philippines – Namataan ang 135-meter Chinese Coast Guard (CCG) ship sa 60 nautical miles kanluran ng Lubang Island nitong hapon ng Linggo, Hulyo 14.
“At 16:20 (4:20 p.m.) yesterday the 135-meter China Coast Guard 5303 arrived 60nm west of the Philippines’ Lubang Island and is now conducting an intrusive patrol at that location,” saad sa tweet ni West Philippine Sea (WPS) monitor Ray Powell nitong Lunes.
Wala pang kumpirmasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay dito.
Noong Hulyo 7, inihayag ni Powell na hinarang ng 102-meter-long CCG ship, kasama ang anim iba pang maritime militia vessels ang dalawang bangka ng PCG malapit sa Ayungin Shoal sa WPS.
Bago rito, iniulat naman noong Hulyo 3 ang paglapit ng pinakamalaking barko ng CCG na tinatawag na “monster ship” sa WPS. RNT/JGC