Home SPORTS Alcaraz kampeon sa Wimbledon, Djokovic ‘di pinaporma

Alcaraz kampeon sa Wimbledon, Djokovic ‘di pinaporma

LONDON — Tinalo ni Carlos Alcaraz ng Spain si Novak Djokovic ng Serbia 6-2 6-2 7-6(4) sa isang rematch ng nakaraang taon ng Wimbledon final upang matagumpay na ipagtanggol ang kanyang titulo noong Linggo.

Hawak na ni Alcaraz ang apat na Grand Slam trophies na may perpektong rekord sa major finals, bunsod ng kanyang dalawang tagumpay sa Wimbledon, ang kanyang tagumpay sa US Open noong 2022 at ang kanyang panalo sa French Open noong nakaraang buwan.

Dahil sa pagkatalo, bigo si Djokovic na sungkitin ang kanyang ika-25th Grand Slam title para lampasan ang Margaret Court sa all-time list at katumbas din ng paghakot ni Roger Federer ng walong titulo ng men’s singles sa Wimbledon.

Nasungkit ni Alcaraz ang kanyang ikalimang break point sa isang mahigpit na unang laro na tumagal ng 14 minuto, bago ibinagsak ng 21-anyos na third seed ang martilyo at pinalakas ang pambungad na set sa likod ng ilang solidong serving.

Sumailalim ang second seed na si Djokovic sa mas maraming pressure sa simula ng susunod na set nang i-bully ni Alcaraz ang 37-anyos sa mga unang palitan upang masira ang diskarte nito at makuha ang two-set lead.

Sina Djokovic at Alcaraz ay nag-toe-to-toe hanggang 4-4 ​​sa ikatlong set bago ibigay ng Espanyol ang isang malaking backhand winner para makuha ang 5-4 lead.

Gayunpaman, sa kabila ng pagiging 40-0 up, sinayang niya ang tatlong match points at serve.

Inalis niya ang kanyang kaba upang makuha ang tagumpay sa tiebreak nang mabigo si Djokovic na makabawi sa laro.JC