Home HOME BANNER STORY Mga klasmeyt ni Guo Hua Ping lumantad

Mga klasmeyt ni Guo Hua Ping lumantad

160
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng dating mga kamag-aral ng isang pribadong paaralan sa Quezon City ang isang kaklase nila sa elementarya na nagngangalang Guo Hua Ping, ang pangalan ng mamamayang Tsino na sinabi ng National Bureau of Investigation na kaparehomg personalidad ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Base sa dalawang nagtapos sa Grace Christian High School naalala nila na mayroon silang kaklaseng Hua Ping matapos lumutang ang pangalan sa Senate inquiry sa umano’y ilegal na aktibidad sa Philippine offshore gaming operation (POGO) sa Bamban.

Tumugma rin ang ibinunyag ni Senator Sherwin Gatchalian sa mga taon na nag-aaral si Hua Ping sa class picture mula 2000 hanggang 2003 sa nasabing paaralan.

Makikita sa litrato ang batang babaeng kamukhang kamukha ni Guo.

Sinabi pa ni Gatchalian na nagsumite rin si Guo ng birth certificate mula sa China.

Taliwas sa sinabi ni Guo sa komite ng Senado na siya ay lumaki sa isang bukid at nag-aral sa bahay ng isang “Teacher Rubilyn,” ang paaralan ay nasa Quezon City at walang guro sa ganoong pangalan.

“Naalala ko lang bigla may Hua Ping po ako na classmate noong Grade 2. Pag-uwi ko po sa bahay, sinearch ko yung class picture namin. Tapos, parang ang galing kasi may resemblance nga siya,” base sa lumutang na kaklase sa interbyu ng GMA Integrated News.

“Doon sa mga naging teachers namin noong elementary, parang wala namang Rubilyn,” dagdag pa niya.

Ang mga larawan ng klase ni Guo ay ikinumpara rin ng isa pang kaklase matapos itong mag-viral online.

“Nagkataon na nag-scroll ako ng Facebook. sabi ko ba’t parang familiar. Hinanap ko sa bahay yung class pictures ko ng Grade 1, Grade 2, Grade 3 kasi naitago ko pa siya. And nakita ko, yun pala yung parehong picture. So nakita ko na classmate ko pala siya ng grade 1. Tapos nakita ko, tsinek ko din yung ibang class pictures ko. And pati Grade 2 pala, classmate ko din siya,” ayon pa sa isang bababaeng kaklase. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here