Home NATIONWIDE Economic growth targets rerepasuhin ng PBBM admin

Economic growth targets rerepasuhin ng PBBM admin

1
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panibagong pagrerepaso ng economic growth targets ng bansa para sa taong 2026 at 2027.

Nahaharap kasi ngayon ang gobyerno sa inaasahang panibagong pababang rebisyon kasunod ng “disappointing performance” ng ekonomiya sa third quarter.

Nakatakdang magpulong ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa darating na Disyembre 1, para i-reassess ang macroeconomic assumptions at targets ng bansa kabilang na ang gross domestic product (GDP) growth, inflation at exchange rate ng piso.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na isasagawa ang pagrerepaso ilang buwan matapos na matuklasan ng economic managers noong Hunyo ang pagbaba ng 2026 GDP growth target ng bansa sa 3.5% na naging 4.5%, mula sa orihnal na 5% hanggang 6% range projection, tinukoy ang domestic at external economic challenges sa first half ng taon.

Ang reassessment ay kasunod ng pinakabagong report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang ekonomiya ay lumawig ng 2.1% sa Q3, mas mabagal sa 2.4% na paglago na naitala sa nakalipas na quarter, at 4% sa kaparehong panahon ng nakalipas na taon.

Ito ang pinakamahinang quarterly economic expansion simula ng pandemiya, sumasalamin sa patuloy na mga presyur sa household spending, investments at mga pinakamahalagang industriya.

“We know what has happened, and until now, we are still dealing with the crisis in the Middle East and the significant impact of the very strong El Niño,” ang sinabi ni Castro.

“In the meantime, we have seen the government exerting every effort to implement projects and programs, primarily to ease the increase in the inflation rate so that it does not have a significant impact on our economy,” aniya pa rin.

Sinusubukan naman ng bansa na makabawi mula sa economic slowdown na unang nagsimula noong third quarter ng 2025, nang ang infrastructure spending ay nabawasan ng husto sa gitna ng flood control corruption scandal. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here