Home NATIONWIDE Thunderstorm advisory itinaas sa 5 Luzon province

Thunderstorm advisory itinaas sa 5 Luzon province

146
0

MANILA, Philippines – Limang probinsya sa Luzon ang makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin bago magtanghali ng Martes, Hulyo 16.

Sa isang thunderstorm advisory na inilabas bandang 9:15 a.m., sinabi ng state weather bureau PAGASA na ang mga apektadong lugar ay Quezon, Laguna, Batangas, Rizal, at Bulacan.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na magsagawa ng pag-iingat laban sa flash flood at landslide. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here