Home NATIONWIDE Contempt charge isinampa sa SC vs Comelec chief

Contempt charge isinampa sa SC vs Comelec chief

124
0

Naghain ng petition sa Korte Suprema ang kampo ni dating Caloocan second district Representative Edgar Erice laban kay Comelec Chairman George Garcia kaugnay pa rin sa kahina-hinalang kontrata ng Miru system para sa 2025 elections.

Sa tatlong pahinang Motion to Cite in Contempt na inihain ni Erice sa Kataas-taasang Hukuman, sinabi ni Erice na walang ibang layunin si Garcia kundi ang maimplewensyahan ang korte pabor sa Comelec, bago pa man marinig ang mga argumento ng lahat ng partido.

Sinabi ni Erice na dapat igalang ng Comelec ang maging desisyon ng Korte Suprema.

Ang pahayag ay kaugnay sa inilabas na pahayag sa publiko ni Garcia na walang sinuman sa mga partido ang maaring makahula kung paano maghatol ang hukuman na ito sa kasalukuyang petisyon dahil ang anumang mga pahayag na nauukol sa mga kahihinatnan ng anumang desisyon na ilalabas ng korte na ito ay premature.

“Pinangungunahan niya po ang Korte Suprema — gusto niya pong i-sway yung public opinion.”

Iginiit ng kongresista, napakaraming red flags at kaduda-dudang pangyayari at walang ibang may kasalanan dito kundi ang Comelec.

Sinabi ni Erice na hindi ito titigil dahil hanggang ngayon ang presentasyon ng Miru ay hindi pa rin ginagawa.

“[Comelec Chairman] George Garcia is no longer the pace of Comelec, Chairman George Garcia is now becoming the pace of Miru”. Binigyang diin ni Erice.

Idinagdag na ginagawa ni Garcia ang lahat para protektahan ang P18 bilyong anomalya sa kontrata ng Comelec -Miru sa 2025 poll automation project.

‘Hindi po ako titigil –next week I will be filing graft charges against Comelec officials including the Bids and Awards Committee”, sinabi pa ni Erice

Sa naunang petisyon na inihain ng kampo ni Erice, inatasan ng korte noong May 21,2024 ang mga respondents, ang Commission on Elections en banc ,Joint Venture Miru system Co.Ltd,Integrated Computer Systems, St.Timothy Construction Corporation at Centerpoint Solutions Technologies ,Inc.

Naghain ang respondents ng kani-kanilang motions for extension of time na bigyan sila ng korte ng hanggang bukas, Hulyo 17,2024 upang maghain ng kanilang komento sa naunang petisyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here