MANILA, Philippines- Inanunsyo ni House Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Representative Arlene Brosas nitong Martes na makikilahok siya sa Senate race para sa 2025 elections.
“Tayo ngayon ay lalahok sa kampanya para sa Senado,” pahayag ni Brosas, na inilarawan ang kanyang sarili bilang “alternatibong kandidato” para sa midterm elections.
Makakasama siya sa slate ng Makabayan bloc.
“Bitbit natin ang agenda ng kababaihan, bata, at bayan. Bitbit natin ang politika ng pagbabago, bitbit natin ang tiwala at suporta ninyo. Handa na tayong sumuong sa Eleksyon 2025,” giit ng mambabatas.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng Makabayan bloc na magkakasa ito ng 12 senatorial candidates para sa 2025 elections. RNT/SA