MANILA, Philippines- Umabot na sa makabuluhang pag-unlad ang pagtatayo ng unang underground railway system ng Pilipinas ang Metro Manila Subway Project .
Ipinakita ni DOTr Undersecretary Timothy John R. Batan sa Presidential Communications Office “Build Better More” Infrastracture Forum ang progreso ng legacy projects at mga nagawa sa Infrastracture Flagships Projects sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan ang Metro Manila Subway, itinututring na pinakaambisyosong proyekto sa imprastraktura ng bansa hanggang ngayon, ay nakamit na ang makabuluhang pag-unlad sa pagtatayo nito.
Sinabi ni Batan na naabot na ng subway project noong Maoy 31, 2024 ang 14.48 porsyento ng target completion.
Bukod sa Metro Manila Subway project, nakahanay din ang mga sumusunod na kabilang sa mga proyektong pang-imprastraktura ng DOTr railway sector:
Unified Grand Station na 81.42% nang natapos
MRT 3 rehabilitation Project na 83.11 % nang kumpleto
LRT 1 Cavite Extension Project na 73.50 % nang kumpleto
MRT Line 7 na 70.98% nang kumpleto
North-South Commuter railway Project na isang 147-kilometer elevated railway line na magkokonekta sa tatlong rehiyon sa Luzon kabilang ang Metro Manila
MRT Line 4 at PNR South-Long Haul Project na nasa pre-construction stage habang ang Mindanao Railway Project Phase I ay nasa project development phase






