Home HOME BANNER STORY Approval rating ni PBBM bumaba

Approval rating ni PBBM bumaba

155
0

MANILA, Philippines – Bumaba ng two at five percentage points ang nationwide approval at trust ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batay sa pinakabagong Ulat ng Bayam survey ng Pulse Asia.

Sa datos noong Marso at Hunyo, sinabi ng Pulse Asia na ang approval rating ay bumaba mula 55 patungong 53, at ang trust rating ay bumaba rin mula 57 ay nagging 53.

Ang pinakamalaking pagbaba ng approval rating ni Marcos ay mula sa Luzon sa nine percentage points, mula 66 patungong 57. Naitala rin ang two-point decrease sa approval rating ni Marcos sa Mindanao mula 40 patungong 38.

Samantala, tumaas naman ng 14-point ang Pangulo sa National Capital Region o mula 47 patungong 61, at two-point increase sa Visayas mula 54 patungong 56.

Bumaba rin ang approval rating ng Pangulo sa Class ABC, o 13% habang naitala ang three-point drop sa Class D.

Tumaas naman ng apat na puntos ang approval rating ni Marcos sa Class E income bracket. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here