Home OPINION MGA PAGPATAY SA HOTEL AT TURISMO

MGA PAGPATAY SA HOTEL AT TURISMO

113
0

KAPAG may pinapatay na dayuhang turista kahit saang bansa, may paglamig ng pamamasyal ng mga ito sa kung saan sila posibleng mapatay rin.

Tinatalakay natin ito kaugnay ng paggapos at pagpatay sa isang Australiano, kanyang misis na Pinay at manugang nito sa isang mamahaling hotel sa Tagaytay City, Cavite kamakailan lang.

Ang Australian na si David James Fisk, 57; Australian Lucita Barquin Cortez, 55, kapwa Australian citizen at ang Pinay na si Mary Jane Cortez, 30, at manugang ni Cortez ang mga biktima.

Ginilitan sa leeg si Fisk habang may sugat naman sa katawan ang dalawang babae at lahat sila ay nakitang naka-packaging tapes sa bunganga, ulat ni Tagaytay police chief Lt. Col. Charles Daven Capagcuan.

Natagpuan silang pawang nakadapa sa sahig at patay na nang matagpuan sila ng Lake Hotel employee na si Allan Manza.

LUTAS NA

Nitong nagdaang araw lamang, sinabi ni Capagcuan na sumuko at umamin ang isang lalaki, 33 anyos, residente ng Amadeo, Cavite at dating empleyado ng hotel na siyang may gawa sa krimen.

Una siyang sumurender sa kapitan ng barangay sa Barangay Toong at kay Tuy, Batangas Mayor Jey Cerrado na naglipat sa kanya kay Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino.

Sinabi nitong gusto lang nitong gumanti sa pagsibak sa kanya sa empleyo ngunit ikinatwiran ng management na pagnanakaw ang dahilan ng pagkasibak nito at hindi na pinagbigyan ang kahilingan nitong bigyan siya ng back pay.

Nakilala ang suspek ng ilang kapwa niya empleyado nang maibaba nito ang kanyang face mask nang ilang beses at ito na ang pinagsimulan ng mga pulis para hanapin ito.

At sa pressure ng aksyon ng pulisya sa ilalim nina Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, Police Regional Office 4A (Calabarzon) director at Col. Eleuterio Ricardo Jr. Special Investigation Task Group David Fisk Col. Eleuterio Ricardo Jr., sumuko ang suspek at ngayo’y sinampahan na ng mga kaukulang kaso.

6 PATAY RIN SA THAILAND

Makaraan lang ang ilang araw, sinundan ang Tagaytay killing ng pagkamatay naman ng anim katao sa Grand/Hyatt Erawan Hotel sa Bangkok, Thailand.

Anak ng tokwa, cyanide naman ang ikinamatay ng mga biktima na mga Vietnamese na turista na dalawa rito ang may American passports.

Sa tulong ng Federal Bureau of Investigation, sinabi ni Trirong Phiwpan, commander ng Thai police na alitan sa utang/pautang ang dahilan ng pagpatay at kasama sa mga namatay ang suspek makaraang painumin lahat ang iba ng cyanide na inihalo sa tsaa na inihanda bilang kanilang inumin.

Dito na rin natatapos ang kaso.

EPEKTO SA TURISMO

Klarong magkaiba ang mga krimeng naganap pangunahin sa kung sino ang gumawa ng krimen.

Higit na nakatatakot para sa mga turista ang krimeng naganap sa Pinas kumpara sa naganap sa Thailand.

Sa Thailand, may 35 milyong dayuhang inaasahang pupunta sa taong ito kumpara sa 28M noong 2023 na gumastos ng $33.71 bilyon o P1.9 trilyon.

Sa Pinas, inaasahang 7.7M lang ang mga dayuhang bibisita, kasama na si Fisk.

Hindi kaya dahil sa mga krimen laban sa mga dayuhang turista ang isang malaking dahilan kung bakit napakaliit ang mga dayuhang turista sa atin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here