Home NATIONWIDE MPD tikom pa bibig sa pagkaranggo ng Maynila na ika-5 na pinakadelikadong...

MPD tikom pa bibig sa pagkaranggo ng Maynila na ika-5 na pinakadelikadong syudad

162
0

MANILA, Philippines – Tikom muna ang bibig ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa lumabas na survey na ito ay tumuntong ang Maynila sa ikalimang pinakadelikadong lungsod sa buong mundo para sa mga turista.

Ayon sa bagong Forbes Advisor report, mula sa 60 international cities, nasa ikalimang puwesto ang Manila habang ang Caracas at Venezuela ay ang pinadelikadong syudad para sa mga turista.

Ang Singapore naman ang pinakaligtas sa lahat.

Sinabi ni MPD-Public Information Office (MPD-PIO) Chief Major Philipp Ines, na hindi muna sila maglalabas ng pahayag dahil kailangan muna nilang alamin kung kailan ang saklaw ng nasabing ulat.

“Wala muna kami ilalabas na statements regarding sa query,”  tugon ni Major Ines.

“Aalamin muna namin ano ang parameter at period cover ng survey before kami magbigay ng sagot,” dagdag pa ng PIO chief.

Sa Forbes report, nakasaad din na ang Manila ay may mataas na natural disaster risk, ikalima na may pinakamataas na panganib sa personal security, at ikapito sa pinakamataas na panganib pagdating naman sa seguridad sa kalusugan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here