Home METRO Makabata Helpline 1383 inilunsad sa Pasay

Makabata Helpline 1383 inilunsad sa Pasay

142
0

MANILA, Philippines- Lumagda sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Pasay at ang Council for the Welfare of Children (CWC) upang maisulong ang Makabata Helpline 1383 na naglalayong makapagbigay ng proteksyon sa anumang uri ng karahasan at panganib sa mga kabataan sa lungsod.

Sa paglagda ng kasunduan ay mas lalo pang paiigtingin ng lokal na pamahalaan ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataang PasayeƱo.

Sa ilalim ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan nitong nakaraang Hulyo 15 nina City Mayor Emi Calixto-Rubiano at CWC Undersecretary Angelo Tapales ay isinusulong ang Makabata Helpline 1383 na magpoprotekta sa mga kabataan sa anumang uri ng karahasan at panganib.

Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang pagpapalaganap ng Makabata Helpline 1383 ay magagamit sa pagtanggap ng ulat, reklamo at impormasyon gayundin ang pagbuo ng kolektibong responsibilidad upang protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga bata sa Pasay.

Bukod pa sa paglulunsad ng Makabata Helpline 1383 ay napagkasunduan din ang pagbalangkas ng mas ligtas at mapagkalingang kapaligiran kung saan ang bawat bata sa Pasay ay maaaring umunlad at maabot ang kanilang buong potensyal na maging bahagi ng pamayanan.

Ayon pa din kay Calixto-Rubiano, ang inisyatibang ito ay isang kolektibong responsibilidad ng lokal, nasyunal at sibikong mamamayan upang mapalakas ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo at suportang pangkalusugan sa mga kabataan at sa kanilang pamilya.

Kasabay nito, ayon pa kay Calixto-Rubiano, kanya ring tiniyak ang pagsasakatuparan ng inisyatibang makalikha ng pangmatagalang proyekto para sa kagalingan at mapayapang kinabukasan ng salinlahing henerasyon ng mga kabataan sa lungsod ng Pasay. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here