MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) na nagkaroon ng biglaang phreatic eruption ang Bulkang Mayon nitong gabi ng Huwebes, Hulyo 18.
Sa inisyal na impormasyon, nangyari ito 6:16 ng gabi ng Huwebes at tumagal ng halos isang minute.
Nagbuga ito ng abo at steam plume na umabot sa 656 feet o 200 meters ang taas at dinala sa direksyong west-northwest.
Ang naturang pagputok ng Bulkang Mayon ay ikinokonsidera bilang isang phreatic event na indikasyong ito ay bunga ng steam sa halip na magma.
Sa kasalukuyan ay nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan. RNT/JGC