Home HOME BANNER STORY Bulkang Mayon nakapagtala ng phreatic eruption

Bulkang Mayon nakapagtala ng phreatic eruption

180
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) na nagkaroon ng biglaang phreatic eruption ang Bulkang Mayon nitong gabi ng Huwebes, Hulyo 18.

Sa inisyal na impormasyon, nangyari ito 6:16 ng gabi ng Huwebes at tumagal ng halos isang minute.

Nagbuga ito ng abo at steam plume na umabot sa 656 feet o 200 meters ang taas at dinala sa direksyong west-northwest.

Ang naturang pagputok ng Bulkang Mayon ay ikinokonsidera bilang isang phreatic event na indikasyong ito ay bunga ng steam sa halip na magma.

Sa kasalukuyan ay nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here