Home NATIONWIDE SONA protesters planong payagan ng PNP ‘gang Tandang Sora, pro-admin hanggang COA

SONA protesters planong payagan ng PNP ‘gang Tandang Sora, pro-admin hanggang COA

103
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) na payagan ang mga magsasagawa ng kilos-protesta hanggang sa Commonwealth Avenue-Tandang Sora Avenue sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22.

Sa panayam, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na ipapanukala rin nila sa Quezon City government na payagan naman ang pro-adminstration rallies hanggang sa bahagi ng Commission on Audit (COA) building.

“Ang nire-recommend po natin sa LGU particularly dyan sa Quezon City ay bandang Tandang Sora na lamang po sila para masiguro natin yung mga daan na malapit sa Batasan Complex ay hindi po magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko,” ani Fajardo sa panayam ng GMA News.

“[Ang mga pro-government] naman po ay doon po natin sila ilalagay doon sa bandang COA po para medyo malayo po ang pagitan nila para maiwasan po ang tensyon,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Fajardo, sisiguruhin ng mga pulis na mananatili lamang sa designated areas ang mga magsasagawa ng kilos protesta sa oras na subukan nang mga ito na makalapit sa Batasan Complex.

Nasa dalawa hanggang tatlong grupo na ang nakapag-apply ng permit para magsagawa ng rally sa araw ng SONA.

Nasa 22,000 police personnel naman ang ipakakalat upang siguruhing ligtas ang SONA.

“Ang nakikita po natin last time po mga 22,000 na-deploy, ganun pa rin po. Unless we see may mga threats po, there will be more,” ayon kay PNP chief Police General Rommel Marbil.

“Right now, we don’t see any threats but ang sinasabi ko, go signal ko, of course, you have to see yung inconvenience,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here