Home SPORTS Japan dinurog ng SGA sa Jones Cup

Japan dinurog ng SGA sa Jones Cup

190
0

Ipinagpatuloy ng Strong Group Athletics-Pilipinas ang kanilang pamamayagpag sa 43rd William Jones Cup matapos ilampaso ang Japan, 92-79 kahapon sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan.

Ipinagpatuloy ni Chris McCullough ang kanyang mainit na paglalaro para sa SGA-Pilipinas na may 26 puntos, pitong rebounds, tatlong assists, at tatlong steals, kung saan nanalo ang Pilipinas kahit wala si big man Ange Kouame, do-it-all Rhenz Abando, at import Tajuan Agee.

Nagkaroon ng injury sina Kouame at Abando, habang si Agee ay may karamdaman.

Dahil sa panalo, dalawang panalo na ang layo ng SGA-Pilipinas para makuha ang kampeonato, sa laban nito sa Chinese Taipei-B sa Sabado, 5 p.m., at Chinese Taipei-A sa Linggo, 7 p.m.

Kagaya ng SGA, ang Chinese Taipei-A ay wala par ing talo na koponan sa torneo na may 5-0 win-loss record habang isinusulat ang balitang ito.

Nakalayo ang mga Pinoy sa Japan sa 2nd quarter matapos kumamada ng 54-36 lead.

Nagdagdag si Derrick Fenner ng 17 puntos, tatlong rebound, at dalawang assist, habang si Jordan Heading ay may 11 puntos at bumaril ng 2-of-4 mula sa three-point range para sa SGA-Pilipinas, na nanguna ng hanggang 24 sa paligsahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here