MANILA, Philippines – Inilikas sa kani-kanilang tirahan ang nasa 400 pamilya sa Bantayan Island dahil sa pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan.
Ayon sa ilang mga residente, magdamagan ang walang tigil na pag-ulan.
Nalubog sa tubig baha ang lahat ng tatlong bayan ng Bantayan Island, ngunit pinaka-apektado ang mga barangay ng Kampingganon, Guiwanon at Kabangbang.
Matatandaan na nag-isyu ang PAGASA Visayas ng red rainfall advisory para sa Northern Cebu dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalakas ng low pressure area. RNT/JGC