Home NATIONWIDE ‘Stalker’ ni Taylor Swift arestado ng pulisya

‘Stalker’ ni Taylor Swift arestado ng pulisya

130
0

GERMANY – Ikinulong ng mga awtoridad ang 34-anyos na US citizen na pinaghinalaang stalker ni Taylor Swift bago ang kauna-unahang concert nito sa Germany.

Ang lalaki ay dinala sa kustodiya ng pulisya nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 17 bago ang show sa Veltins-Arena sa Gelsenkirchen.

Napag-alaman ng mga pulis na nagbabanta ang lalaki laban kay Taylor Swift at boyfriend nitong si Travis Kelce sa social media.

“As initial investigations could not completely rule out the possibility of danger, the suspect was identified and taken into custody at the admission control before the concert, for which he had a ticket,” ayon sa pulisya.

Ang suspek ay naka-detain hanggang Sabado at sinabing wala nang anumang banta kay Taylor Swift at sa mga fans.

Nasa 60,000 katao ang dumalo sa unang araw ng three sold-out Eras Tour concerts ni Taylor Swift sa Gelsenkirchen nitong Miyerkules. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here