Home NATIONWIDE Butchoy, Carina nananatili sa PAR; Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

Butchoy, Carina nananatili sa PAR; Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

148
0

MANILA, Philippines- Magdudulot si Tropical Depressions Butchoy at Carina ng “minimal to no effect” sa anumang bahagi ng bansa ngayong Sabado sa inaasahang maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang lugar dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, base sa PAGASA.

Nakaambang lumakas ni Carina sa mga susunod na araw habang si Butchoy ay lalabas din agad ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Sabado.

Palalakasin ni Butchoy ang Southwest Monsoon habang magdudulot si Carina ng “moderate to heavy rains” sa kanlurang bahagi ng Luzon sa susunod na araw at gusty conditions sa Kalayaan Islands.

Magiging maulap ang kalangitan sa Antique, Palawan, Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan at sasabayan na kalat na pag-ulan dahil sa Southwest Monsoon.

Inaasahan naman sa Mindanao, natitirang bahagi ng Visayas, at natitirang bahagi ng MIMAROPA ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa Southwest Monsoon.

Nagbabadya sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Makararanas ang western section ng Luzon ng moderate to strong wind speed patungong southwest to southeast direction na sasabayan ng moderate to rough coastal waters.

Sa Visayas at Mindanao naman, magkakaroon ng moderate to strong wind speed patungong south to southwest direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Iiral sa natitirang bahagi ng Luzon ang light to moderate wind speed patungong northeast to northwest direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-5:36 ng umaga at lulubog ng alas-6:29 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here