Home METRO P10M shabu, marijuana nakumpiska sa Cordillera  

P10M shabu, marijuana nakumpiska sa Cordillera  

121
0

CAMP DANGWA, Benguet- Nasabat ang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P10 milyon habang 13 hinihinalang drug pushers ang nahuli sa Cordillera region mula Hulyo 12 hanggang 18.

Sinabi ni PRO-Cordillera chief Police Brig. Gen. David Peredo Jr. na 32 operasyon ang isinagawa sa Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, at Kalinga.

Wika ni Peredo, nagresulta ang anti-illegal drug operations na ito sa pagkakakumpiska sa 42,575 fully grown marijuana plants, 1,650 marijuana seedlings, 11,000 gramo ng dried marijuana leaves at fruiting tops, at 21.12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P10,044,668.36.

Naitala ang pinakamalaking pagkakakumpiska sa Kalinga kung saan narekober ang ilegal na drogang aabot sa P6.9 milyon at dalawang tulak na tinukoy na street-level individuals ang nadakip sa marijuana eradication, dalawang buy-busts, at isang checkpoint  operations.

Sa Benguet, apat na drug pushers ang naaresto habang P2.9 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska. Sa Ifugao, winasak ang P58,000 halaga ng marijuana plants.

Sa Baguio, tatlong drug pushers ang naaresto at narekober ang shabu na nagkakahalaga ng P40,308.36.

Sa Apayao, dalawang high-value individuals ang naarsto sa bisa n warrants of arrest  at dalawnag high-value individuals sa Abra rin ang nadakip. Nakuha mula sa mga suspek ang shabu na may pinagsamang halaga na P29,998. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here