MANILA, Philippines- Arestado ng Parañaque City police ang isang call center agent nitong Biyernes dahil sa umano’y panggagahasa at pangingikil sa isang teenager na nakilala niya sa isang dating app.
Bandang ala-1:30 ng madaling araw, nadakip ng mga awtoridad ang 25-anyos na lalaki na kinilala lamang bilang si Edward, base kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.
Sinabi ni Abalos, sa isang ambush interview ng dakong alas-3 ng madaling araw sa Facebook live, nakilala umano ng 19-anyos na babaeng estudyante ang suspek sa pamamagitan ng isang online dating application.
Sa hiwalay na pahayag, inilahad ng Southern Police District (SPD) nitong Biyernes: “After establishing contact, the suspect allegedly raped the victim and subsequently demanded large sums of money in exchange for not posting sensitive photographs of her online.
“Upon receipt of the information, SPD SOU (special operations unit) orchestrated an entrapment operation, in collaboration with the victim and her father that later led to the suspect’s apprehension,” patuloy ng SPD.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek.
Ayon kay Abalos, nasamsam ang cellphone ng suspek at natuklasang naglalaman umano ito ng iba pang video ng mga hubad na indibidwal.
“They will all be contacted, all of these are under investigation,” wika ni Abalos hinggil sa mga nasa videos. RNT/SA