MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes laban sa avian influenza (AI) o bird flu vaccines na ibinebenta online.
“Again, hindi natin nire-recommend iyan at iyan ay bawal doon, kukuha lang ng bakuna doon sa mga reputable na institutions o source ng vaccines,” pahayag ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang panayam.
Nauna nang nagpalabas ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng parehong babala laban sa avian influenza vaccines na mabibili na sa iba’t ibang online shopping platforms.
Sa isang online platform, ibinebenta ang 100ml at 200ml ng AI H5N1 vaccine doses sa halagang P423 hanggang P790.
Sinabi ni De Mesa na maaaring magdulot ng panganib ang paggamit ng unregulated products gayung ang bird flu a highly pathogenic.
“Kahit anong gamot na hindi dumaan sa proseso, inirekomenda ng FDA [Food and Drug Administration] o ng BAI o hindi dumaan sa kung ano man na regulation, bawal iyan,” wika niya, na binanggit pa ang posibilidad ng AI transmission sa mga tao.
“Kung hindi tama iyong bakuna, it could be a poison both to the human and the animals,” giit ni de Mesa.
Nakikipag-ugnayan na ang DA sa FDA upang aksyunan ito. RNT/SA