Home METRO Bangkay nabingwit sa Ilog Pasig!

Bangkay nabingwit sa Ilog Pasig!

158
0
Image Representation Only

MANILA, Philippines- Natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig ang isangl bangkay ngĀ  hindi pa nakikilalang lalaki sa Pandacan, Manila nitong Sabado ng umaga.

Sa inisyal na ulat mula sa MPD-Station 10, walang pagg-itaas na damit ang lalaki na tinatayang nasa edad 40-45, may taas na 5’6″ at nakasuot ng asul na boxer short.

Napag-alaman na alas-9:55 ng umaga nang nadiskubre ang katawan ng biktima sa Ilog Pasig, sakop ng Brgy. 839.

Katuwang ng pulisya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-ahon sa labi ng biktima sa ilog.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya kung nadulas at nahulog ang biktima sa ilog na dahilan ng kanyang pagkalunod at pagkamatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here