Home NATIONWIDE ‘Factual, independent review’ sa NSB, tatapusin sa Agosto  – Escudero

‘Factual, independent review’ sa NSB, tatapusin sa Agosto  – Escudero

118
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tatapusin ang isinasagawang “factual at independent review” ng Senate committee on accounts sa pamumuno ni Senador Alan Peter Cayetano sa Agosto.

Sa press conference, sinabi ni Escudero na kailangang tapusin ni Cayetano ang rebyu sa kalagitnaan ng Agosto at maghain ng kaukulang rekomendasyon sa parehong buwan.

Naunang inihayag ni Cayetano na tuloy ang imbestigasyon kung bakit lumobo ang gastusin sa NSB sa kabila ng ethics complaint na inihain ni Senador Nancy Binay. Natuklasan din ng komite, ayon kay Cayetano, na maraming questionable items sa proyekto, kaya’t hindi makasasagabal ang anuman kabilang ang sigalot nila ni Binay, sa rebyu.

“Ipagbibigay alam namin ‘yan sa mga miyembro upang kuhanin din ang kanilang opinyon at pananaw. Kabilang na at importanteng bahagi doon ay ‘yong halaga para matapos at makumpleto na ‘yan at timetable para kung kailan kami tunay na makakalipat na ng buong buo ,” ayon kay Escudero saka inihayag na may bago siyang direktiba sa komite.

Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang project manager ng NSB, na pinagbasehan sa kabuuang halaga ng proyekto ang datos noong 2021 at hindi kasama rito ang kasalukuyang halaga ng materyales.

Umaabot ngayon sa P23.37 bilyon ang halaga ng gusali at maaaring pumalo pa sa P25 bilyon hanggang P27 bilyon na pwede pang tumaas, ayon kay Cayetano.

“The PHP25-27 billion [projected cost of NSB] could be a little bit conservative pa pala (it seems),” ayon kay Cayetano matapos matanggap ang ilang pang dokumento mula sa kinauukulang stakeholders para sa pagsusuri.

“Developing yung story. This week kasi I found out na maraming tinatago sa atin. Kung sino ang nagtatago at bakit tinatago, I haven’t gotten to that [yet] but we finally received caches na halos half room full of documents and we’re getting through it,” wika ni Cayetano. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here