MANILA, Philippines – Ipatutupad ang liquor ban sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 22 upang masiguro ang mapayapa at maayos na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Ipapatupad ang Liquor Ban sa Quezon City sa July 22, 2024 simula 12:01 AM hanggang 6:00PM,” saad sa social media post ng QC LGU.
“Ito ay upang masiguro ang kapayapaan at seguridad sa lungsod sa darating na State of the Nation Address (Sona) ni President Ferdinand Marcos Jr.,” dagdag pa.
Nakatakdang maghatid ng ikatlong SONA si Marcos sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. RNT/JGC