Home LIFESTYLE VOTE ANGELES CITY, PAMPANGA SA “ASIA’S BEST EMERGING CULINARY CITY DESTINATION 2024”

VOTE ANGELES CITY, PAMPANGA SA “ASIA’S BEST EMERGING CULINARY CITY DESTINATION 2024”

142
0

NAIS ni Department of Tourism (DOT) secretary Maria Christina Frasco na magsama-sama ang mga Filipino sa pagsuporta sa Angeles City (Pampanga) para masungkit nito ang pagiging “Asia’s Best Emerging Culinary City Destination 2024” ng World Culinary Awards.

Isa ang lungsod sa mga pinagpipilian para sa titulo kung saan kasama rin ang Hanoi, Vietnam; Kyoto, Japan; Taipei, Taiwan; at ang Kuala Lumpur, Malaysia.

Kinikilala ang Angeles City bilang “Sisig Capital of the Phi­lippines” at ipinagmamalaki nito ang kanyang pork sisig na ta­laga namang binabalik-balikan ng mga nakatitikim nito. Tuwing Disyembre ay ipinagdiriwang ng lungsod ang sisig festival nito na tinatawag na “Sadsaran Qng Angeles”.

Dinarayo ng mga tao ang delicacies mabibili sa Sasmuan, dahil kilalang-kilala ang mga Kapampangan sa pagluto ng mga kakanin, tulad ng tamales, polvoron, puto at ang pituklip.

Ang Angeles City na nasa Metro Clark ay bahagi ng tinatawag na “culinary capital” ng bansa, kasama ang Mabalacat at San Fernando City, sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay Secretary Frasco, bukas sa publiko ang pagboto hanggang August 30, 2024. Para makaboto, magtungo sa World Culinary Awards website. Ibigay ang mga impormasyong hinihingi at gumawa ng account. Ipadadala sa inyong email address ang mga tagubilin para sa inyong beripikasyon.

Matapos ay bumalik sa voting page, i-click ang “VOTE NOW for Angeles City, Pampanga.”

Ang World Culinary Awards ay sinimulan noong 1994 na may hangaring kilalanin at ipagdiwang ang kahusayan sa culinary industry ng mundo.

Masaya ring ibinalita ni Secretary Frasco na nakatakdang maging punong abala ang bansa sa gaganaping World Travel Awards 2024 sa September 3. Ngayong taon ay mayroong pitong nominasyon ang bansa bilang Asia’s Leading Beach Destination, Asia’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Island Destination.

Nominado muli ang Intramuros bilang Asia’s Leading Tourist Attraction, ang Boracay bilang Asia’s Leading Luxury Island Destination, at ang Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination.

Nominado muli ang DOT bilang Asia’s Leading Tourist Board.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here