Home NATIONWIDE Bawat lalawigan sa bansa magkakaroon ng mobile clinics – PBBM

Bawat lalawigan sa bansa magkakaroon ng mobile clinics – PBBM

97
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address nitong Lunes, Hulyo 22 na magkakaroon ng mobile clinic ang lahat ng lalawigan sa bansa para palawigin ang mga serbisyong pangangalagang pangkalusugan sa mga taong nakatira sa labas ng metro.

Ani Marcos na layunin niya na sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng sapat na sentro o pasilidad ang lahat ng lalawigan na may kakayahang magbigay ng pangunahing serbisyong medikal sa mga nangangailangan.

“Sisiguraduhin natin na bawat probinsya ay mabibigyan ng mobile clinic, para mailapit sa ating mga kababayan ang mga laboratory exams at iba pang basic medical services,” anang Pangulo.

Nauna nang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na 83 “Bagong Pilipinas” mobile clinics ang naipadala na sa iba’t ibang lugar simula ngayong buwan.

Ang bawat sasakyan ay nilagyan ng modernong kagamitang medikal, tulad ng digital x-ray machine at ultrasound machine, hematology analyzers, binocular microscope, clinical centrifuge, ophthalmoscope, reagent refrigerator, at iba pa.

Nauna nang namahagi si First Lady Liza Araneta-Marcos ng mga mobile facility sa pitong probinsya sa Central Luzon.

Higit pa rito, sinabi ni Marcos sa kanyang SONA, na ang sektor ng kalusugan ay patuloy na tataas ang kalidad ng mga ospital at mga specialty center, habang ang mga modernong ospital ay itinatayo.

Binanggit niya na ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Cancer Center ang unang public-private partnership (PPP) na naaprubahan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Together with the Philippine Cancer Center of the DOH, which broke ground last March, these two specialty hospitals will soon join our nation’s fight against cancer. These Centers will be a godsend to the more than four hundred thousand Filipinos who are afflicted with this deadly disease,” ani Marcos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here