Home OPINION LUPA IPINAGKALOOB NI KAP VERGEL PARA SA PABAHAY

LUPA IPINAGKALOOB NI KAP VERGEL PARA SA PABAHAY

130
0

SA kasaysayan ng aming Bayan ng Indang, wala akong alam o kilala na makahihigit o makapapantay man lamang sa kabutihang-loob na ginagawa nang mag-asawang Kap Lion Virgilio at Madam Lion Nedilyn Fidel na subok at kilala sa pagtulong mula noon hanggang ngayon.

Kilala si Kap Vergel sa taguring “Action Man” na siyang tunay na tunay.  Hindi lang totoong mahusay sa salita si Kap Vergel subalit maging sa gawa.

Patuloy ang mga programa at proyektong serbisyo niya sa mamamayan. Kung inyong matatandaan ay may ilang beses ko nang naitampok sa pitak kong ito sa Remate, Ang Dyaryo ng Masa, ang patungkol sa kabutihang-loob ni Kap. Vergel Fidel.

Noong mga nakaraang taon nang dinaluyong ng matinding ulan at baha ang Northern Luzon ay hindi siya nagdalawang-isip na personal na nagtungo roon at namigay ng donasyong tulong.

Kung matatandaan din ninyo ay sa ibang lugar pa rin namigay siya noong nakaraang mga taon ng mga Pamasko sa ilang kapus-palad nating kababayan sa lugar ng Southern Luzon at Kabikolan.

Nagbibigay ngiti rin siya sa mga Senior Citizens sa 36 barangay ng Indang na nagdiriwang ng birthday sa araw-araw sapagkat kanyang pinadadalhan ng mga cake ang mga ito.

Nang magkaroon na ng bagong Barangay Hall ang kanyang barangay – ang Calumpang Cerca, ay naisip naman niyang ipaayos at gawing kapaki-pakinabang ang kanilang dating barangay hall, para gawing Dialysis Center sa Indang na handog niyng libre para sa mga pasyenteng dina-dialysis. Sa ngayon, mayroong 10 dialysis machine na ang center na nakapagsasalang ng 30 pasyente sa araw-araw.

Bilang pagkilala naman sa kabayanihan ng mga OFW ay inilunsad din niya ang kanyang proyektong Indangeños Libreng Airport Service na tinatawag niyang “HATID ay Ginhawa sa NagkakaSUNDOng Pamilya Program” o Hatid Sundo Program na libre sa bawat pamilya na  may kaanak na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Hindi pa tapos ang kanyang pagtulong sa kapwa ni Kap Vergel dahil mayroon na naman siyang kapaki-pakinabang na proyekto, kamakailan ay nagbigay siya ng 3 ektaryang lupain na nasa Brgy. Poblacion 4 para maisakatuparan naman sa Indang ang Pambansang Pabahay Program ng Pangulong Bongbong Marcos.

Sa ngalan ng pagmamalasakit at pagmamahal niya sa  Indangeños na walang sariling tahanan ay bukal sa puso niyang nai-donate ang 3 ektaryang lupa sa pamahalaan para matugunan ang pangangailangan na magkaroon ng sariling bahay ang bawat pamilyang Indangeños na nakikitira at nangungupahan lamang.

Iyan si Indang ABC President Hon. Virgilio “Action Man” Fidel or Kap. Vergel na kaanib din ng Indang Cavite Highlands 103 Lions Club. Siya ang tunay na may malasakit na lingkod-bayan na walang inisip kundi kung paano makatutulong at makapaglilingkod sa mamamayan. God bless you Lion Vergel Fidel at Mabuhay ka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here