Home NATIONWIDE 326 residente sa OccMin inilikas sa rumaragasang baha

326 residente sa OccMin inilikas sa rumaragasang baha

163
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng pre-emptive evacuation ang pinagsanib na mga ahensya sa Sablayan, Occidental Mindoro upang iligtas ang mga residente na apektado ng pagbaha dulot ng umiiral na hanging habagat.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nasa 326 na mga residente ang nailikas kahapon mula sa baha sa bahagi ng Sitio Pandan, Barangay Claudio Salgado, Sablayan, Occidental Mindoro.

Katuwang ng Philippine Coast Guard ang Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF) at Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Sablayan sa pagsasagawa sa nasabing inisyastibo.

Sinabi ng PCG na ang nasabing paglilikas sa mga residenteng nasa mataas na panganib na lugar dulot ng epekto ng hanging habagat na dala ng Bagyong Carina na kasalukuyang nananalasa sa bansa.

Naihatid sa Pandan Evacuation Center ang mga indibidwal na ito, at lahat sila ay nasa maayos na kalagayan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here