Home METRO ‘Carnapper’ arestado sa Caloocan

‘Carnapper’ arestado sa Caloocan

149
0

BAGSAK sa selda ang isang lalaki na wanted sa kaso ng carnapping at robbery matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Llano Police Sub-Station (SS-7) ng Caloocan police hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Dading, 42, na kabilang sa most wanted person sa Quezon City.

Bumuo ng team ang SS7 saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:50 ng gabi sa General Luis corner Diamond road, Kaybiga, Brgy., 166, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, binitbit nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ferdinand Campomanes Baylon ng RTC, Branch 77, Quezon City, noong March 3, 2023, para sa paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972 (RA 6539) at Robbery (RPC Art. 293).

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng SS7 habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here