Home METRO Brgy. Ex-O todas sa tandem

Brgy. Ex-O todas sa tandem

113
0

Bulacan – Patay ang 54 anyos na lalaking hepe ng barangay na naglilinis ng motorsiklo matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa lungsod ng Baliwag.

Kinilala ang biktimang si Boy Silvestre, may-asawa, Brgy. Ex-O, at residente ng Sta Lucia St., Brgy. Pinagbarilan.

Ang rider na medium built ay pawang nakasuot ng bullcap, bonet, orange sweatshirt at maong pants at ang backbrider na gunman ay nakasuot din ng bonet, black longsleeve, sling bag at maong pants.

Sa report ng pulisya, nangyari ang pamamaril bandang 11:00 ng umaga nitong Hulyo 22 sa Brgy. Pinagbarilan.

Ayon sa imisyal na imbestigasyon at sa saksing Brgy. Watchmen, nakarinig siya ng dalawang putok at nang tanawin ang pinagmulan ng putok ay nakita niyang duguang nakabulagta ang biktimang naglilinis ng motor.

Nakita niya ang mga suspek kaya dumampot siya ng bato para pukulin subalit tinutukan siya ng baril ng backrider kaya agad siyang kumubli hanggang sa tuluyang makatakas sa direksyon sa DRT highway.

Nabatid na dinala ang biktima sa ACE Hospital para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay.

Dahil dito, nagsagawa ng dragnet operation at follow up investigation ang pulisya sa naturang insidente. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here