MANILA, Philippines – Lalo pang lumakas ang Bagyong Carina ngayong Miyerkules ng umaga habang patuloy itong kumikilos patungo sa Taiwan, ayon sa 5 a.m. Bagyong Bulletin na ipinost ng PAGASA.
Ang sentro ng mata ng Bagyong Carina ay tinatayang nasa 290 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 190 kilometro kada oras at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
-Mga Isla ng Babuyan
-ang hilagang bahagi ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga)
-ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams)
Habang ang TCWS No. 1 ay nakataas sa Batanes.
Ang pagtataya ng naipon na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands ay 50-100 mm sa Miyerkules at sa pangkalahatan ay mas mataas sa matataas o bulubunduking lugar.
Samantala, ang Southwest Monsoon na pinahusay ng Carina ay magdadala ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa iba’t ibang lugar sa kanlurang bahagi ng Luzon sa Miyerkules hanggang Biyernes.
Ang Batanes at Babuyan Islands ay makakaranas ng mga pag-ulan at pagbugsong hangin dahil sa Bagyong Carina sa Miyerkules, iniulat ng PAGASA.
Maaaring magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Batanes dahil sa malakas hanggang sa matinding pag-ulan at maliit na banta sa mga buhay at ari-arian dahil sa malakas na hangin.
Sa Babuyan Islands, maaaring magkaroon ng flash flood at landslides doe to moderate to heavy na kung minsan ay matinding pag-ulan na may minomal hanggang minor na banta sa mga buhay at ari-arian dahil sa malakas na hangin.
Ang Ilocos Region, Zambales, Bataan, Abra, Benguet, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng monsoon rains dahil sa southwest monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa kalat-kalat sa malawakang pag-ulan.
Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, Cavite, Batangas, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, at Laguna ay magkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan dahil sa habagat na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan.
Ang Kanlurang Visayas, Rehiyon ng Isla ng Negros, at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may mga pagbaha o pagguho ng lupa na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may mga pagbaha o pagguho ng lupa na posibleng mangyari sa panahon ng matinding pagkulog.
Inaasahang magla-landfall si Carina sa hilagang bahagi ng Taiwan sa Miyerkules ng hapon o maagang gabi at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong gabi o Huwebes ng umaga. RNT






