MANILA, Philippines – Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman ang Hakbang ng Maisug sa pagpapalabas ng di umano’y video na nagpapakita na may isang lalaki na may pagkakahawig kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot bago pa ang State-of-the-Nation Address, araw ng Lunes, Hulyo 22.
“The Hakbang ng Maisug national leadership has nothing to do with the release of the video footage showing President Ferdinand Marcos Jr. in the act of snorting cocaine in Maisug gatherings in Canada and the USA,” ani Duterte, araw ng Martes, Hulyo 23 tungkol sa “polvoron” video.
Sinabi ni Duterte na ang video na umiikot ngayon sa iba’t ibang social media platforms ay gawa ng Maisug “volunteers” sa dalawang lugar kung saan walang kaalaman at pahintulot ng Maisug organizing committee.
“The members of the Maisug leadership were just as surprised as the rest of the country when they saw the video for the first time,” ayon kay Duterte. RNT