Home ENTERTAINMENT Jen, no-show sa GMA Gala, inintriga!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Jen, no-show sa GMA Gala, inintriga!July 24, 2024 12:02940 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Tila pahupa na ang isyung lilipat si Jennylyn Mercado sa kabilang network nang sundan na naman ito ng intrigang muli.Ito’y dahil sa ‘di pagsipot ng Kapuso actress sa katatapos lang na GMA Gala.Disappointed ang mga fans na asang-asa pa mandin sa kanyang pagdalo at pagrampa sa red carpet.But nary a shadow nga of Jennylyn showed up.In her absence, mag-isa tuloy rumampa sa red carpet ang asawang si Dennis Trillo.Dahil doon ay lalong nabuo ang mga ispekulasyon na lilipat na ngang talaga ang aktres.Ito y lalo pa’t hindi pa nire-renew ng GMA ang kanyang kontrata.Pero maghunos-dili muna ang mga mabilis tumalon sa konklusyon.Ang totoo, all set na sanang dumalo si Jen sa nasabing highly anticipated event.Nakahanda na rin ang kanyang makatawag-pansing kasuotan.Kaso, a more important concern came up.May sakit at mataas ang lagnat ni Alex Jazz at naglambing ito sa ina na kung maaari’y huwag siyang iwan.Si Alex Jazz ay ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia.Dahil doon, napagkasunduan nina Dennis at Jennylyn na ang una na lang ang aattend.This being the case, huwag nang gawan ng intriga ang no-show ng aktres sa GMA Gala.Nilinaw rin naman ni Jennylyn that her heart remains with the Kapuso network.Klaro? Ronnie Carrasco III