Home NATIONWIDE Cavite nasa state of calamity na rin

Cavite nasa state of calamity na rin

207
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara na rin ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Cavite dahil sa epekto ng Bagyong Carina.

Ang deklarasyon ay nakapaloob sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 3210-2024.

Ang deklarasyon ng state of calamity ay nagbibigay-daan sa lokal na pamahalaan na mabilis na ma-access ang mga emergency fund at magpatupad ng mga relief operations upang matulungan ang mga lumikas na residente.

Nauna nang isinailalim din sa state of calamity ang Metro Manila dahil sa epekto ng malawakang pagbaha dulot ng Carina-enhanced Southwest Monsoon o Habagat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here