Home HOME BANNER STORY Paglayag ng lumubog na motor tanker sa masamang panahon, ipinaliwanag ng PCG

Paglayag ng lumubog na motor tanker sa masamang panahon, ipinaliwanag ng PCG

217
0

MANILA, Philippines – Hinambalos ng malalaking alon ang isang motor tanker lulan ang 1.4 metric tons o liter ng industrial fuel oil kaya ito tuluyang lumubog, madaling araw ng Huwebes, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sa online briefing, sinabi ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo na ang Philippine-flagged Motor Tanker (MT) Terra Nova ay lumubog sa bahagi ng 3 y nautical miles ng silangan ng Lamao Point ,Limay, Bataan alas 3 ng madaling araw.

Nang tanungin kung bakit pinayagan pa rin ang barko na maglayag sa kabila ng umiiral na sama ng panahon, sinabi ni Balilo na walang storm signal sa Bataan at palabas pa lamang sila patungong Iloilo nang makasalubong ang malalaking alon.

Ayon pa kay Balilo, nagpasya ang kapitan ng barko na bumalik ngunit dahil sumalok sila ng tubig dagat ay lumubog ang barko dahilan para kianilangan ang search and rescue operation.

Mula sa 17 crew, 16 sa kanila ang narescye habang nagpapatuloy ang search and rescue sa nawawalang crew.

Sinabi ni Balilo na ito na ang pangalawang insidente ng paglubog ng oil tanker kaya naman tinitignan nila ngayon kung kakailangamin ng ibang tulong mula sa ibang bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Balilo na may nakikitang langis ngunit maaring ito ay gamit ng barko pero ang kargang langis ay wala pang indikasyon o senyales na tumagas.

Gayunman, malaki aniya ang magiging epekto nito sa Manila dahilan bahagi ng Manila Bay ang lugar kung saan ito lumubog kaya naman gumagawa na sila ng contingency plan at kanila nang pinaghahandaan.

Binigyang-diin ni Balilo na malaki o hindi maganda ang epekto ng oil spill sa kapaligiran sakaling tumagas ang langis.

Magsasagawa rin ng imbestigasyon upang malaman kung may pananagutan ang may ari ng barko.

Sinabi rin ni Balilo na maari ding ma-revoke ang lisensya kung mayroong silang pagkukulang. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here