Home METRO 2 nakuryente sa kasagsagan ng ulan, dedo!

2 nakuryente sa kasagsagan ng ulan, dedo!

142
0

MANILA, Philippines- Dalawa ang iniulat na patay matapos umanong nakuryente sa kasagsagan ng malakas na ulan at malakas na hangin nitong Miyerkules.

Isa sa mga biktima ay kinilalang si David Gerona y Lipon, 32-anyos, nakatira sa 8001 Delpan St. Tondo Manila.

Sa ulat, wala na itong buhay nang matagpuan sa harap ng isang pribadong paaralan sa Tayuman sa Tondo, Manila.

Isinugod ito ng isang concerned citizen sa emergency room ng Gat Andres Bonifacio Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, sinabi ng Manila Police District (MPD) na hinihintay pa ang kumpletong ulat at detalye hinggil sa isa pang biktima ng electric shock. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here