Home ENTERTAINMENT Arjo at Maine, hiwalay na raw; Sylvia, nagsalita!

Arjo at Maine, hiwalay na raw; Sylvia, nagsalita!

159
0

Manila, Philippines – Sa darating na July 28 ang unang wedding anniversary nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Ano’t hindi pa man ay kalat na ang balitang hiwalay na raw ang showbiz couple!

Ito ang pinaksa sa Showbiz Update ni Ogie Diaz at ng kanyang mga kasama.

To shed light on the issue, minabuti ni Ogie na tanungin mismo si Sylvia Sanchez.

For one, kilalang-kilala raw ni Ogie ang aktres na kailanma’y hindi maglulubid ng kasinungalingan.

Ani Ibyang: “Ay, mare, ‘yan naman ang ‘di totoo! Sa katunayan, kagagaling lang ng mag-asawa sa Bangkok, Thailand. Kasama pa nga ang pamilya ni Maine. Masaya sila!”

Isang simpleng tweet ni Maine ang pinagmulan ng nasabing intriga na ngayo’y deleted na.

Agad kasing binigyan ng malisyosong kahulugan ang paghingi ng sorry ni Maine sa kanyang mother-in-law.

Pero giit ni Ibyang: “Baka iba ‘yon!”

Ibig sabihin, Maine’s tweet had nothing to do with talks about their separation.

Isa pang intriga’y may kinalaman kay Arjo.

May third party involved umano on Arjo’s part.

Isang aktres din daw ‘yon kung saan may anak ang aktor-pulitiko.

Nasagap lang naman daw ito ng cohost ni Ogie.

Dahil marami na ang pumoposisyon bilang paghahanda sa mid-term elections sa 2025, tiyak na smear campaign ito para siraan si Arjo.

Ano’ng bago?

Kahit naman noong 2022 elections ay puro imbento ang mga intrigang ibinabato kay Arjo to thwart his congressional bid.

Eh, nanalo…so pahiya ang mga walang magawang bashers! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here