TACLOBAN CITY- Patay ang isang high-ranking official ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa militar nitong Huwebes, Hulyo 25, sa General MacArthur, Eastern Samar.
Kinilala ni Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Bridade, ang nasawi na si Joel Guarino, alyas Duran.
Si Guarino ang pinuno ng Squads 1 at 2 ng Apoy Platoon, Sub-Regional Committee Sesame, ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
Sinabi ni Vestuir na nakaengkwentro ng 78th Infantry Battalion si Guarino kasama ang anim na natitirang miyembro ng Squads 1 at 2 sa Barangay Osmena bandang alas-9:25 ng umaga.
Wala namang namatay sa panig ng pamahalaan, ayon sa opisyal.
Narekober ng mga awtoridad ang caliber .45 pistol ng pagmamay-ari umano ni Guarino. RNT/SA