Home METRO Kabahayang binaha sa Novaliches, nasunog!

Kabahayang binaha sa Novaliches, nasunog!

148
0

MANILA, Philippines – Hindi pa man nakakaahon sa baha, nasunog ang isang commercial area sa Barangay Sta. Monica sa Novaliches, Quezon City ngayong Biyernes ng umaga.

Alas-6:27 ng umaga nang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kontrolado ang sunog, na nagsimula bago mag-alas-5 ng umaga.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, na nangangailangan ng deployment ng 22 firetrucks.

Ang lugar ay kabilang sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa Metro Manila dulot ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ng Bagyong Carina nitong nakaraang linggo.

Sinabi sa ulat na marami sa mga komersyal na establisyimento na nagbebenta ng mga itlog at karne ang lubos na napinsala ng sunog. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here