Home NATIONWIDE IRR ng Expanded Career Progression ng mga guro, tinintahan

IRR ng Expanded Career Progression ng mga guro, tinintahan

127
0

TININTAHAN ng Department of Education, Department of Budget and Management, Professional Regulation Commission, at Civil Service Commission, araw ng Biyernes ang implementing rules and regulations (IRR) ng Executive Order 174 ukol sa expanded career progression para sa mga public school teachers.

Ang signing ceremony ay dinaluhan ni DepEd Secretary Sonny Angara, DBM Sec. Amenah Pangandaman, PRC Chairman Charito Zamora, at CSC Commission Ryan Alvin Acosta.

Sa naging talumpati ni Angara, sinabi nito na sa ilalim ng IRR, ang promosyon ng public school teachers ay hindi na magiging “time-based” dahil inalis na nito ang natural vacancies policy sa departmento.

Ang promosyon ay hindi na rin magiging position-based, nangangahulugan na ang mga guro ay hindi na kailangan na lumipat ng ibang eskuwelahan para makakuha ng mas mataas na ‘teaching item.’

Sa ilalim ng bagong rules, sinabi ni Angara na ang mga guro ay mayroon ng ‘choice’ para “move freely from teaching track to administrative track.”

“Hindi po nasasakripisyo ang kalidad ng edukasyon. The teachers can teach and the students will benefit from that teacher’s experience and skills going forward,” ani Angara.

Samantala, sinabi naman ni Pangandaman na ang paglagda sa IRR ng EO 174 ay sumasalamin sa commitment ng gobyerno na tiyakin na ang professional development ng mga guro at tugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa.

“By establishing pathways for career advancement of our teachers, we are creating a positive work climate that makes them feel valued and engaged which ultimately leads to a more stable and experienced workforce in the education sector,” ayon sa Kalihim.

“Today’s signing sends a powerful message to our dear teachers that their cause did not fall on deaf ears, that their hard work is recognized, their growth is prioritized, and their contributions are acknowledged,” aniya pa rin.

Maliban dito, sinabi pa ni Pangandaman na ang implementasyon ng EO 174 ay kasabay ng panukalang salary adjustments para sa mga guro.

“May nakalaan po tayong pondo para sa naturang salary adjustment para sa mga kawani ng gobyerno ngayong taon kasama po dito ang medical allowance,” ang winika ni Pangandaman.

Gayundin tiniyak ni Pangandaman sa mga guro na kukunin ng DepEd ang lion’s share mula sa panukalang budget para sa 2025.

Bago pa ang paglagda sa IRR, sinabi ni DepEd Undersecretary Wilfredo Cabral na bahagi ng epekto ng EO ay ang lumikha ng bagong posisyon mula sa orihinal na Teachers 1 hanggang 3 hanggang Teachers 1 hanggang 7.

Ang posisyon para sa Master Teacher 5 ay lilikhain din at ang mga posisyon mula sa Principal 1 hanggang 4 ay i-streamline.

“The expanded career progression ensures that teacher progression to higher position is developmental, merit-based, and in accordance with standards hindi po credential based na existing system sa ngayon in terms of position. We, the Department of Education, envisions that with this new career progression system, walang teacher na magre-retire na Teacher 1 (no teacher will retire as Teacher 1),” ang paliwanag naman ni Cabral. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here