Isang Chinese National ang dinukot makaraang puwersahang pasukin ang bahay nito ng dalawang Chinese national at apat pang katao na nagpanggap na mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI).
Tinangay pa ng mga suspek ang pera at mahahalagang gamit ng biktima sa sa Executive Meadowood Subdivision Brgy. Panapaan 8, Bacoor City, Cavite.
Isang Chinese national ang biktima na kinilalang si Ye Su, residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, bandang bandang alas-12:30 ng hapon nang puwersahang pumasok ang grupo ng mga kalalakihan kabilang ang dalawang Chinese national sakay ng isang kulay puti na Toyota Hi-Ac na may plakang DAC 9322 at isang kulay silver mettaliic at nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nang nakapasok ang mga suspek, dinukot nila si Ye Su at tinangay nila ang di pa nabatid na halaga ng cash at mahahalagang gamit nito saka umalis patungo sa direksyon ng Niog Road sakay ng nasabi ring sasakyan.
Isang man hunt operation namang ang isinasagawa ng pulisya at backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) posibleng dinaanan ng mga suspek at sa pagkakakilanlan ng mga ito.
Inaalam rin ng pulisya sa tanggapan ng Cavite LTO kung sino ang nag mamay ari ng sasakyang ginamit ng mga suspek sa biktima at kung ano ang motibo sa pagdukot. Margie Bautista