Home METRO Trak dumausdos sa bangin sa Benguet, drayber patay

Trak dumausdos sa bangin sa Benguet, drayber patay

154
0

LA TRINIDAD, Benguet – Pinaglalamayan na sa ngayon ng kanyang pamilya’t kamag-anak ang drayber ng Ford Fiera na may plakang CLC 120 matapos mahulog ang sinasakyan nito sa bangin na sakop ng barangay road ng Langilang, Paoay Atok patungong La Trinidad, Benguet.

Kinilala ang nasawi na si G. Mark Aison Singlao, 34 taong gulang, may asawa, at residente ng Balangbang Paoay, Atok.

Sa inisyal na ulat ng Atok Municipal Police Station, kargado ng 30 sako ng California bell pepper ang sasakyan patungo sa pataas na bahagi ng kalsada at kalauna’y nagdesisyong huminto sa gilid ng kalsada ang mga taong sakay nito.

Bumaba sa sasakyan ang kasama ni Singlao na si Adler Sarac at naglagay ng harang sa gulong ng sasakyan, ngunit nalampasan ito ng gulong ng sasakyan hanggang sa tuluyang nahulog sa bangin na may lalim na humigit-kumulang 50 metro.

Dahil dito, nagtamo ang drayber ng open traumatic head injury na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here